^

Bansa

Dagdag sahod, benepisyo hiling ng teachers

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kasabay nang pagdiriwang ng World Teachers’ Day kahapon, umapela ang mga guro sa Malacañang na taasan ang kanilang mga sahod at dagdagan ang kanilang mga bene­pisyo.

Nagmartsa ang mga guro mula Far Eastern University sa Morayta, Manila patungong Malacañang para personal na ipanawagan kay Pangulong Aquino na sertipikahan na rin bilang urgent ang House Bill 2142 na nagtatakda ng dagdag na sahod at benepisyo.

Ayon kay Atty. Domingo Alidon, pangulo ng National Employees Union ng Department of Education (DepEd-NEU), napakababa ng sahod ng mga guro gayung napakahirap ang kanilang trabaho.

Giit pa nito, dapat na ituring sila ng gobyerno na mga special employees dahil sa napakahirap ng kanilang trabaho.

Isinusulong din umano nila, kasama ang Teachers’ Dignity Coalition na gawing P9,000 kada buwan ang dagdag sa sahod ng mga guro at mga non-teaching personnel.

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIGNITY COALITION

DOMINGO ALIDON

FAR EASTERN UNIVERSITY

HOUSE BILL

MALACA

NATIONAL EMPLOYEES UNION

PANGULONG AQUINO

WORLD TEACHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with