MANILA, Philippines - Kasado na ang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) para arestuhin ang mga natutumbok na ‘hackers/hactivists’ na nasa likod ng pag-hack o pagpapabagsak ng mga website ng government agencies.
Ayon kay NBI special investigator Joey Narciso ng Computer Crimes Division, hinihintay na lamang nila ang ilalabas na search warrants ng korte matapos ang positibong resulta ng kanilang im bestigasyon laban sa higit 20 “hactivists” na umano’y nasa likod ng serye ng hacking sa websites.
Ipinag malaki pa ni Narciso na sapat ang kanilang imbestigador na may kakayahan laban sa computer crime.
May kakayahan din umano ang ahensiya na malaman ang kinaroroonan ng mga hackers at nakahanda silang arestuhin ang mga ito sa sandaling matapos na ang isinasagawa nilang imbestigasyon.
Nagpalabas ng standing directive si Justice Secretary Leila de Lima sa NBI para tugisin ang mga nasa likod ng pananabotahe sa government websites na hinihinalang protesta o pagkondena sa Cybercrime Act.