^

Bansa

Hackers ng gov't websites tugis na

- Ludy Bermudoa - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kasado na ang ope­rasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) para arestuhin ang mga natutumbok na ‘hackers/hactivists’ na nasa likod ng pag-hack o pagpapabagsak ng mga website ng government agencies.

Ayon kay NBI special investigator Joey Narciso ng Computer Crimes Division, hinihintay na lamang nila ang ilalabas na search warrants ng korte matapos ang positibong resulta ng kanilang im­ bestigasyon laban sa higit 20 “hactivists” na umano’y nasa likod ng serye ng hacking sa websites.

Ipinag­ malaki pa ni Narciso na sapat ang kanilang imbestigador na may kakayahan laban sa computer crime.

May kakayahan din umano ang ahensiya na malaman ang kinaroroonan ng mga hackers at nakahanda silang ares­tuhin ang mga ito sa sandaling matapos na ang isinasagawa nilang im­bestigasyon.

Nagpalabas ng stan­ding di­­rective si Justice Sec­retary Leila de Lima sa NBI para tugisin ang mga nasa likod ng pananabo­tahe sa government websites na hini­hinalang protesta o pagkondena sa Cybercrime Act.

AYON

COMPUTER CRIMES DIVISION

CYBERCRIME ACT

IPINAG

JOEY NARCISO

JUSTICE SEC

KASADO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with