^

Bansa

Protesta vs Cyber Law lumalawak

Nina Doris Borja, Gemma Garcia at Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Lumawak pa ang protesta laban sa implementasyon ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o Cybercrime Law na nagsimulang ipatupad kahapon kasunod ng panibagong mga petisyon na inihan sa tanggapan ng Supreme Court (SC).

Ang pang-walong petisyon ay inihain ni Atty. Melencio Sta. Maria at mga miyembro ng Ateneo Human Rights Center na humihiling na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang SC para pigilan na ang implementasyon nito.

Kabilang sa mga pinangalanang respondents sa nasabing re­klamo sina Executive Se­cretary Pacquito Ochoa, Justice Secretary Leila de Lima, DILG Sec. Manuel Roxas, National Bureau of Investigation at Philippine National Police.

Sunod namang nag­hain ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ng petisyon sa SC na siyang pang-siyam na tumututol sa Cybercrime Law.

Naniniwala naman si House Minority leader Danilo Suarez na maaa­ring mabilis na aksyunan ng Kamara ang pag-amyenda sa cyber law sa sandaling makita ng mga ito na lumalawak ang protesta ng publiko at magkaroon ng kaguluhan dahil sa pagtutol sa naturang batas.. 

Ayon kay Suarez, bagamat walang katiyakan kung matatalakay pa ang kanyang ihahaing resolution upang maamyendahan ang House Bill 10175 dahil abala na ang mga kongresista sa paghahanda sa 2013 elections ay itutuloy pa rin niya ang paghahain nito sa susunod na linggo.

Para naman kay de­puty minority leader Mitos Magsaysay, maaari namang i-veto ni Pangulong Aquino ang HB10175 kung hindi rin nito gusto.

Giit ni Magsaysay, ginawa naman ng mga nagdaang presidente ang pag-veto ng batas kapag hindi sila pabor sa ipinasang batas ng kongreso.

Ang dapat sana umano na ginawa ng Pangulo kung hindi nito gusto ang probisyon na patungkol sa online libel ay sinabi agad nito upang nagsagawa muna ng deliberasyon ang bicam committee.

Nilunaw pa ni Magsaysay na ang kwestiyunableng probisyon ay hindi bahagi ng bersyon na kanilang inaprubahan sa Kamara.

Malaki naman ang pag-asa ni Sen. Teofisto Guingona III na ide­deklara ng SC na unconstitutional ang kontrobersiyal na Cybercrime Law.

Ayon kay Guingona, maraming probisyon sa batas ang labag sa Konstitusyon katulad ng hindi pantay na pagtingin ng batas sa print media at mga gumagamit ng internet.

Labag din umano sa Konstitusyon ang probisyon na puwede map-rosecute ang isang akusado sa ilalim ng Penal code at puwede ring  ma-prosecute sa ilalim ng Cybercrime Law.

Si Guingona ang nag-iisang senador na kumontra sa pagpasa ng Cybercrime Law.

ATENEO HUMAN RIGHTS CENTER

AYON

CYBERCRIME LAW

CYBERCRIME PREVENTION ACT

DANILO SUAREZ

EXECUTIVE SE

HOUSE BILL

HOUSE MINORITY

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAMARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with