^

Bansa

Outbreak ng 'Chikungunya' hindi totoo - DOH

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ng Department of Health (DOH) na may outbreak ng sakit na “Chikungunya” sa bansa, matapos mapaulat na marami umanong nagkakasakit nito sa Albay, Ilocos Sur at Bataan.

Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona, kagaya ng dengue kalimitan ding mataas ang kaso ng ‘Chikungunya’ sa panahon ng tag-ulan, matapos umano ang naranasang mga pagbaha sa ilang lugar sa bansa ay maraming ‘breeding sites’ ang mga lamok kaya ipinapayo ng DOH sa publiko na maglinis ng kanilang kapaligiran.

Ani Ona , under control naman ang kaso ng ‘Chikungunya’ na naiulat sa, Albay, Ilocos at Bataan at nakaalerto na umano ang kanilang health personnel para mabigyan ng tulong medical ang mga biktima.

Una nang sinabi ni Albay Gov. Joey Salceda na isang bayan sa Rapu-Rapu sa Albay ang nakapagtala ng 83 kaso ng Chikungunya, karamihan umano sa mga biktima ay residente ng Barangay San Ramon, Batan Albay na nakaranas ng pabalik- balik na lagnat, rashes at pananakit ng katawan.

Sinabi ni Ona, bago sa pandinig ng publiko ang sakit na Chikungun­ya subalit hindi ito dapat na katakutan, kailangan lamang umano ay handa ang publiko kung paano ito gamutin at magtungo agad sa mga pagamutan.

Una nang sinabi ni Health Assistant Sec. Dr Eric Tayag na taong 1990 pa nang unang magkaroon ng kaso ng Chikungunya sa Pilipinas.

vuukle comment

ALBAY

ALBAY GOV

ANI ONA

BARANGAY SAN RAMON

CHIKUNGUNYA

DEPARTMENT OF HEALTH

DR ERIC TAYAG

HEALTH ASSISTANT SEC

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

ILOCOS SUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with