'NAIA Angels' ikakalat sa paliparan
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) ang kanilang bagong estratihiya para labanan ang anumang uri ng kriminalidad sa mga paliparan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga tinaguriang ‘NAIA Angels’.
Sinabi ni PNP-ASG director Chief Supt. Jesus Descanzo, ang nasabing ‘NAIA Angels’ ay ginawa para mapaigting at mamonitor ng husto ang mga maaring mangyaring ‘criminal activities’ ngayong papalapit na ang kapaskuhan dahil dumarami na ang mga incoming balikbayan, tourist at ibang arriving passengers maging ang mga dumarating at umaalis na mga pasahero sa bansa.
Ayon kay Descanzo, ang mga ‘NAIA Angels’ ay kinabibilangan ng policewomen na masusing pinili ng kanilang pamunuan para tumulong sa airport para sa mga kaligtasan ng mga pasahero dito.
“The policewomen have undergone crash course in Police Operational Procedures, Customer Relations and Communication skills, which will assist in the screening and profiling as well as to advice the airport users against criminal elements,” sabi ni Descanzo.
- Latest
- Trending