^

Bansa

Petisyon vs Cyber Crime Law, 6 na

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Anim na petisyon na ang naisampa sa Korte Suprema na pawang tumututol sa implementasyon ng Cyber Crime Prevention Act of 2012.

Ilang mambabatas, bloggers , estudyante at pribadong indibidwal mula sa akademya ang naghain ng kanilang petisyon sa SC kung saan hiniling nito na agad na magpalabas ng Temporary Restraining Order at tuluyan nang ibasura ang nasabing batas na tinawag nitong unconstitutional.

Kabilang sa mga naghain ng ika-anim ng petisyon kontra sa Cyber Crime Law ay sina Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino, ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, UP College of Mass Communications Dean Rolando Tolentino, mga blogger na sina Katrina Stuart Santiago, Ma. Katherine Elona ng Philippine Collegian, Anakbayan national chairman Vencer Mari Crisostomo, Isabelle Baguisi ng National Union of Students of the Philippines, Prof. Carl Marc Ramota ng UP Manila Department of Social Sciences at Ofelia Balleta ng Beltran Research Center.

Batay sa 21-pahinang petisyon ng grupo, iginiit nila na kung itutuloy ang pagpapatupad ng nasabing batas ay maraming paglabag sa karapatang pantao ang magaganap at mapanghihimasukan din ng pamahalaan ang pribadong buhay ng mga indibidwal. (Ludy Bermudo/ Gemma Garcia)

ANTONIO TINIO

BELTRAN RESEARCH CENTER

CARL MARC RAMOTA

COLLEGE OF MASS COMMUNICATIONS DEAN ROLANDO TOLENTINO

CYBER CRIME LAW

CYBER CRIME PREVENTION ACT

GEMMA GARCIA

ISABELLE BAGUISI

KABATAAN PARTY

KATHERINE ELONA

KATRINA STUART SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with