Diesel kinaltasan, gasolina dinagdagan

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng dag­dag-bawas sa mga presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis umpisa kahapon ng madaling araw sa panibagong galawan ng krudo sa internasyunal na merkado.

Alas-6 ngayong Lunes ng umaga, magtataas ang Shell, Petron at Seaoil ng P.30 sentimos kada litro sa presyo ng premium at unleaded gasoline habang P.25 sentimos kada litro naman sa re­gular na gasolina.

Kasabay nito, tatapya­san naman ng naturang mga kumpanya ang presyo ng kanilang diesel ng P.30 sentimos kada litro at P.25 sentimos sa kerosene.

Ang panibagong ga­law sa lokal na presyo ng petrolyo ay ibinabase pa rin umano nila sa pres­yuhan ng internasyunal na merkado. Inaasahan naman na susunod ang iba pang kumpanya ng langis partikular ang mga independent pla­yers.

Show comments