Filing ng COCs 'wag gamitin para magpapansin sa media, publiko

MANILA, Philippines -  Hindi dapat gamitin ng mga pulitiko ang pagpa-file ng certificate of candidacy para magpapansin sa media at sa publiko.

Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, hindi raw dapat na maging takaw pansin at engrande ang filing ng COC ng mga kandidato. Aniya, isang simpleng araw lamang at gawain ito ng isang nais na tumakbo sa pulitika.

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang Oktubre 1-5 para sa filing ng kanilang candidacy.

Ayon kay Bishop Oliveros, hindi kailangan pang gumimik ang mga pulitiko sa simpleng paghahain ng C-O-C dahil sa bandang huli karakter at performance pa rin ang higit na batayan sa pagpili ng kandidato.

Pinayuhan ng Obispo ang mga kandidato sa halip na gumimik ay mas magandang pairalin ng mga pulitiko ang equality before the law.

Show comments