^

Bansa

Petisyon ni GMA sa kasong sabotage, ibinasura ng SC

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kumukuwestiyon sa inihaing electoral sabotage case laban sa kanya ng DOJ- Comelec investigating panel.

Ayon sa isang source, unanimous o nagkakaisa ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa pagbasura sa petisyon dahil maituturing nang moot and academic ang kaso.

Iyan ay dahil naisampa na sa Pasay City Regional Trial Court ang kaso at nabasahan na rin ng sakdal ang dating pangulo.

Ang nasabing desisyon ay isinulat ni Associate Justice Diosdado Peralta at napagbotohan sa deliberasyon ng Korte Suprema noong September 18.

Samantala, hati naman ang mga mahistrado sa usapin ng legalidad ng pagkakabuo sa DOJ-Comelec panel.

Apat na mahistrado ang nagsabing unconstitutional ang lupon dahil tanging ang Comelec lamang umano ang may mandato na mag-imbestiga sa mga election offense.

Habang mayorya naman sa mga mahistrado ang naniniwala na legal ang pagkakabuo sa panel dahil ang Comelec pa rin naman ang nangangasiwa sa imbestigasyon at ang Commission En Banc ang nag-apruba ng paghahain ng kaso sa korte.

APAT

ASSOCIATE JUSTICE DIOSDADO PERALTA

AYON

COMELEC

COMMISSION EN BANC

HABANG

IBINASURA

KORTE SUPREMA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with