Comelec may panuntunan vs 'nuisance'
MANILA, Philippines - Maaring maging “grounds” o batayan sa pagdedeklara na nuisance o panggulo ang isang kandidato na naghain ng kandidatura para lamang hiyain ang proseso ng eleksyon, magdulot ng pagkalito sa mga botante at wala namang lehitimong intensyon na tumakbo sa public office.
Alinsunod ito sa bagong panuntunan na inilabas ng Comelec kaugnay sa pagdidiskwalipika at pagdedeklarang “nuisance” ng isang kandidato na tatakbo sa May 2013 elections.
Sinumang rehistradong kandidato na tumatakbo sa kaparehong posisyon ay maaring maghain ng petisyon laban sa isang kandidato na hinihinalang panggulo sa loob ng limang araw mula sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy.
Samantala, sinumang rehistradong botante, political party, kowalisyon ng mga partido ay maaring maghain ng petition for disqualification laban sa isang kandidato.
Ang petisyon ay kailangang ihain matapos ang huling araw ng filing ng certificate of candidacy hanggang sa bago ang petsa ng proklamasyon.
Maaring maging batayan para sa diskwalipikasyon ang mga kandidato na idineklarang “incompetent” ng isang competent authority; ang kandidato na pinal na nahatulan sa kasong subversion, insurrection, rebelyon o alinmang mga paglabag na may katapat na hatol na mahigit 18 pagkabilanggo; mga kandidato na pinal na nahatulan sa krimeng may kinalaman sa moral turpitude.
- Latest
- Trending