^

Bansa

Graft vs Verzosa, 7 pang PNP officials

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ng kasong graft sa Sandiganbayan sina retired Philippine National Police (PNP) Director General Jesus Verzosa at pitong iba pang opisyal ng PNP kaugnay ng maanomal­yang pagbili ng 75 defective police rubber boats noong 2008.

Bukod kay Verzosa, sabit din sa paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) sina P/DDG Jefferson Soriano, P/DDG Benjamin Belarmino, Jr., P/Dir. Luizo Ticman, P/Dir. Ronald Roderos, P/Dir. Romeo Hilomen, P/CSupt. He­rold Ubalde, at P/CSupt. Villamor Bumanglag.

Amg kaso ay mula sa Complaint and Supplemental Complaint na isinampa ng tanggapan ng Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices (OMB-MOLEO). 

Pinagtibay ni Ombudsman Morales ang natuklasan ng Special Panel of Investigators ng ahensiya na may naganap na anomalya sa pagbili ng rubber boats ng PNP na may P131,550,000 halaga.

Ang naturang mga rubber boats ay binili makaraang maganap ang bagyong Ondoy at Pepeng sa bansa noong 2008.

Sinasabing nang dalhin na ang initial batch ng rubber boats sa pamamagitan ng PNP Maritime Group-Technical Inspection Committee on Watercrafts (MG-TICW) ay natuklasang depektibo ang naturang mga equipment dahilan para ‘di nila ito magamit at ang mga bangka at makina ay hindi gumagana kaya’t hindi ito napakinabangan.

vuukle comment

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BENJAMIN BELARMINO

COMPLAINT AND SUPPLEMENTAL COMPLAINT

DEPUTY OMBUDSMAN

DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

JEFFERSON SORIANO

LUIZO TICMAN

MARITIME GROUP-TECHNICAL INSPECTION COMMITTEE

MILITARY AND OTHER LAW ENFORCEMENT OFFICES

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

OMBUDSMAN MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with