MANILA, Philippines - Mapapangalagaan na ang mga meat products na pumapasok sa bansa dahil sa bagong prosesong ipatutupad ng Bureau of Customs (BoC).
Ipinaliwanag ni BoC Commissioner Ruffy Biazon na sa naturang modernization program o regulasyon ng ahensiya ay higit na makikinabang dito ang mga hog raisers.
Nabatid na ang mga x-ray machine ay ilalagay sa loob ng MICP-BoC sa Maynila at ito ay gagamitin para isalang dito ang mga container van na naglalaman ng mga imported meat at frozen products na pumapasok sa naturang pantalan.
Sa naturang x-ray machine ay kaagad na malalaman kung maayos ba o hindi ang mga imported meat at frozen product na papasok sa bansa.
Naging positibo naman ang pagtanggap ni Edwin Chen, pangulo ng isang grupo ng hog raiser, ang Pro Pork sa naging paliwanag ni Biazon sa naturang proseso.
Ang programa ay bahagi ng reporma ni Biazon sa buong BoC. Layunin nito na mapabilis at mapagaan ang proseso para sa mga hog raisers na magpapasok ng kanilang produkto, tulad ng mga karne ng sa gayon ay hindi ito maapektuhan.