^

Bansa

Bagong regulasyon ng BoC aprub sa hog raisers

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mapapangalagaan na ang mga meat products na pumapasok sa bansa dahil sa bagong prose­song ipatutupad ng Bureau of Customs (BoC).

Ipinaliwanag ni BoC Commissioner Ruffy Bia­zon na sa naturang mo­dernization program o re­gulasyon ng ahensiya ay higit na makikinabang dito ang mga hog raisers.
Nabatid na ang mga x-ray machine ay ilalagay sa loob ng MICP-BoC sa Maynila at ito ay gagamitin para isalang dito ang mga container van na naglalaman ng mga imported meat at frozen products na pumapasok sa naturang pantalan.
Sa naturang x-ray machine ay kaagad na mala­laman kung maayos ba o hindi ang mga imported meat at frozen product na papasok sa bansa.  
Naging positibo naman ang pagtanggap ni Edwin Chen, pangulo ng isang grupo ng hog rai­ser, ang Pro Pork sa na­ging paliwanag ni  Biazon sa naturang proseso.
Ang programa ay bahagi ng reporma ni Biazon sa bu­ong BoC. Layunin nito na mapabilis at ma­pagaan ang proseso para sa mga hog raisers na magpapasok ng kanilang produkto, tulad ng mga karne ng sa gayon ay hindi ito maapektuhan. 
 

vuukle comment

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RUFFY BIA

EDWIN CHEN

IPINALIWANAG

LAYUNIN

PRO PORK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with