MANILA, Philippines - Pito pang pulis ang sinibak sa serbisyo ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Leonardo Espina dahil sa iba’t ibang kaso habang apat pang pulis ang pinatawan ng demosyon ng ranggo.
Kabilang sa mga sinibak sina PO1 Harold Meneses ng Manila Police District (MPD), PO1 Ollan Alexis de Guzman ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) NCRPO, PO1 Rustico Gabuco ng MPD-Pandacan Police Station (PS-10), PO1 Ferdinand Pabilada ng MPD-District Headquarters Support Unit (DHSU), PO2 Glen Trani, PO2 Melchor Barolo at PO1 Arnold Baldonado mula sa MPD-District Headquarters Support Unit (DHSU).
Binabaan naman ng isang lebel ang ranggo nina SPO2 Joseph Marayag, SPO1 Edgardo Buluran, SPO1 Fernando San Juan at PO2 Pablo Basmayor, na pawang mula sa Quezon City Police District (QCPD).
Nag-ugat ang pagsibak at demosyon sa naturang mga pulis matapos mapatunayan na lumabag sa iba’t ibang kasong administratibong kinakaharap tulad ng grave misconduct at neglect of duty.
Nauna nang sinibak ang 15 pulis kamakailan.