MANILA, Philippines - Nasorpresa ang mga empleyado ng National Food Authority (NFA) nang ihayag ng kanilang hepe na si Lito Banayo ang pagbibitiw nito sa puwesto sa gitna ng pagdaraos ng ika-40 anibersaryo ng ahensiya.
Ayon kay Banayo, nagdesisyon siyang magbitiw sa puwesto upang bigyang daan ang pagtakbo bilang kinatawan sa First District ng Agusan del Norte sa 2013 mid-term elections.
Sinasabing wala raw dahilan ang pag-alis ni Banayo sa NFA makaraang masabit sa iba’t ibang kontrobersiya ang ahensiya hinggil sa mga smuggled na bigas.
Bago naging NFA administrator, si Banayo ay naging general manager ng Philippine Tourism Authority, political adviser ni dating Pangulong Joseph Estrada at spokesman, strategist at political adviser ni Sen. Panfilo Lacson.
Naging post master general din si Banayo noong panahon ni President Cory Aquino.