^

Bansa

NFA boss nagbitiw

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasorpresa ang mga empleyado ng National Food Authority (NFA) nang ihayag ng kanilang hepe na si Lito Banayo ang pagbibitiw nito sa puwesto sa gitna ng pagdaraos ng ika-40 anibersaryo ng ahensiya.

Ayon kay Banayo, nagdesisyon siyang magbitiw sa puwesto upang bigyang daan ang pagtakbo bilang kinatawan sa First District ng Agusan del Norte sa 2013 mid-term elections.

Sinasabing wala raw dahilan ang pag-alis ni Banayo sa NFA makaraang masabit sa iba’t ibang kontrobersiya ang ahensiya hinggil sa mga smuggled na bigas.

Bago naging NFA administrator, si Banayo ay na­ging general manager ng Philippine Tourism Authority, political adviser ni dating Pangulong Joseph Estrada at spokesman, strategist at political adviser ni Sen. Panfilo Lacson.

Naging post master general din si Banayo noong panahon ni President Cory Aquino.

AGUSAN

AYON

BANAYO

FIRST DISTRICT

LITO BANAYO

NASORPRESA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PANFILO LACSON

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY

PRESIDENT CORY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with