^

Bansa

Pagsalba ng Ilog Pasig lalarga na sa QC

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos ang makabuluhang pagbabago sa kapaligiran at pamumuhay ng mga residenteng nakatira sa mga esterong nalinis ng Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig (KBPIP), itataguyod nito ang mas agresibong kampanyang himukin ang mga lokal na pamahalaan sa Kamaynilaan na linisin ang kanilang mga estero.

Ngayong taon, napi­ling ayusin ng KBPIP ang mga estero sa Quezon City na isinasalin ang halos lahat ng basura nito sa San Juan River. Samantala, sa San Juan River naman nagmumula ang higit 40% ng dumi na dumadaloy sa Ilog Pasig.

“Kapag nilinis natin ang San Juan River, malilinis na natin ang kalahati ng Ilog Pasig. Kung kailangan nating linisin ang San Juan River, ka­ilangan din nating linisin ang Quezon City,” saad ni Gina Lopez, ang mana­ging director ng ABS-CBN Foundation na namamahala sa KBPIP.

Magsisilbing modelo ng rehabilitasyon para sa mga daluyan ng tubig sa Quezon City ang Estero de Paco na siyang dati’y isa sa mga pinakamaru­ming daluyan ng tubig sa Maynila. Mula sa pag-uumpisa sa pagsasaayos nito noong 2009, ang da­ting mistulang tambakan ng basura ay isa nang ganap na pasyalan – malinis, puno ng ma­gagandang halaman, at nakabitan ng mga ilaw na nagpapaliwanag dito tuwing gabi.

Nagsimula ang pagsasaayos sa estero sa pamamagitan ng paglilipat ng libu-libong pamilya na nakatira sa mga ito, paggawa ng maaayos na lakaran, pagsasanay ng community volunteers na kung tawagin ay River Warriors na siyang naglilinis at nagbabantay sa mga estero laban sa mga nagtatapon ng basura, at ang paglalagay ng aparatong bubuhay muli sa tubig nito.

Kagaya ng Estero de Paco, layunin ni Lopez na paunlarin ang bawat estero ng Ilog Pasig upang mapakinabangan at mapagkakakitaan ng mga naninirahan dito. Ipinagmalaki ni Lopez ang pagpapatayo ng supermarket at tatlong palapag na hotel malapit sa nasabing estero kamakailan matapos itong malinis.

Ibinida rin ni Lopez ang naging direkta at mabuting epekto ng rehabilitasyon ng Estero de Paco sa pamumuhay ng mga residente nito. Hindi nakaranas ng pagbaha ang paligid ng estero noong kasagsagan ng habagat, patunay na maaaring mabawasan ang trahedya ng pagbaha sa Kamaynilaan kapag sinimulang linisin ang mga daluyan ng tubig dito.

ESTERO

GINA LOPEZ

ILOG PASIG

KAMAYNILAAN

KAPIT BISIG PARA

LOPEZ

QUEZON CITY

RIVER WARRIORS

SAN JUAN RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with