^

Bansa

Na matatakasan ng preso mas mabigat na parusa sa jailguard

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mas mabigat na parusa ang naghihintay sa mga jailguards na mapapatunayang nagpabaya at nakipagsabwatan para makatakas ang isang bilanggo.

Ito’y matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bills 6482, 251 at 2399 na inihain nina Au­rora Rep. Juan Edgardo Angara, Occidental Min­doro Rep. Amelita Villarosa at Antipolo City 2nd district Rep. Romeo Acop.

Nakasaad sa panu­kala na kailangang am­yendahan ang articles 156,223 at 224 ng Republic Act 3851 o ang Revised Penal Code of the Philippines.

Ayon kay Angara, ang pagpalya na mahuli ang mga takas na bilanggo ay nagbibigay lamang ng mas matinding kapahamakan para sa publiko kayat dapat nang baguhin ang penoloy system sa bansa.

Giit nito, dapat managot na ang mga responsable sa kustodiya ng mga preso at alisin sa pwesto dahil sa kawalang responsibilidad, integri­dad, kakayahan at katapatan sa tungkulin.

Para naman kay Acop, makakabuti ang mas mahigpit na parusa na ibibigay sa mga jail guards na pumayag o nagpabaya sa pagtakas ng isang bilanggo lalo na ang mga high profile prisoners.

Sa ilalim ng panu­kala, ang kaparusahan sa si­numang lalabag sa Article 156 o crime of delivering prisoners from jail ay itataas sa prision mayor o 6-12 taong kulong.

Sa Article 223 naman na hindi pagsasabi sa kustodiya ng nakatakas na bilanggo, ay itataas ang parusa hanggang 12 taon at 1 araw hanggang 20 taon (reclusion tem­poral).

Sa Article 224 kung saan nakapaloob ang pag-iwas sa krimen dahil sa kapabayaan ay hihigpitan din ang parusa mula sa pagkakakulong ng 6 na taon at 1 araw hanggang 12 taon (arresto mayor) at 6 na buwan at 1 araw hanggang 6 taon depende sa bigat ng kaso gayundin ang diskwalipikasyon sa tung­kulin.

AMELITA VILLAROSA

ANTIPOLO CITY

HOUSE BILLS

JUAN EDGARDO ANGARA

OCCIDENTAL MIN

REPUBLIC ACT

REVISED PENAL CODE OF THE PHILIPPINES

ROMEO ACOP

SA ARTICLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with