MANILA, Philippines - Hindi na tatakbo sa senatorial race sa 2013 si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon.
Inanunsiyo ni Biazon sa isang press conference kahapon na mananatili siya sa pwesto bilang hepe ng BoC upang higit niyang matutukan ang reporma dito at masugpo ang illegal smuggling sa bansa.
Si Biazon ay miyembro ng Liberal Party (LP) at kilalang malapit kay Pangulong Aquino.
“After consultation with President Aquino, I have decided to forego my Senate bid and stay in the Bureau of Customs,” ani Biazon.
Puntirya ni Biazon ang pagtugis sa mga smuggler at pagbuwag sa sindikato nito hanggang sa masampahan ang mga ito ng kaso.
Nais ni Biazon na tuluyang malinis ang BoC habang ang administrasyon niya ang nakaupo.