^

Bansa

Pagpapalabas ng 'Innocence of Muslims' pinigil ng SC

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinigil ng Korte Suprema ang pagpapalabas ng anti-Islam film na “Innocence of Muslims” na naging ugat ng mararahas na kilos-protesta at pagkamatay ni US Ambassador to Libya Chris Stevens.

Ito ang naging kapasiyahan ng deliberasyon kahapon ng Supreme Court en banc, na nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa nasabing kontrobersiyal na pelikula.

Kabilang sa inaatasan ng SC laban sa pagpapa­labas ng nasabing pelikula ang Movie and Tele­vision Review and Classification Board (MTRCB).

Gayunman, hindi maaksyunan ng korte ang hiling ng ilang Muslim leader sa Mindanao na maipagbawal sa Google at Youtube ang pelikula dahil hindi naman sila pinangalanang respondent sa petisyon.

Samantala, pinagsusumite naman ng SC ng ko­mento hinggil sa nasabing isyu ang mga respondent na sina Executive Secretary Paquito Ochoa at MTRCB Chair Grace Poe Llamanzares.

Nag-ugat ang nasabing kaso sa inihaing petisyon ng ilang Muslim leader dahil ang pelikula ay pambabastos umano kay Prophet Muhammad, na nagla­larawan ng pambababae, panloloko at pang-aabuso sa bata.

vuukle comment

CHAIR GRACE POE LLAMANZARES

GAYUNMAN

INNOCENCE OF MUSLIMS

KORTE SUPREMA

LIBYA CHRIS STEVENS

MOVIE AND TELE

PROPHET MUHAMMAD

REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

SECRETARY PAQUITO OCHOA

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with