^

Bansa

Pagtakbong muli ng Batangas mayor, kukuwestyunin

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kukuwestyunin ng grupong San Pascual Econo­mic Development Agenda sa Commission on Elections (Comelec) sakaling muling tumakbo sa pagka-alkalde si Mayor Antonio Dimayuga ng San Pascual, Batangas.

Sa isang pahayag, iginiit ng grupo na nakaka-tatlong termino na umano si Dimayuga, kayat hindi na umano ito maaring tumakbo pa.

Sa oras anila na mag-file ng certificate of candidacy si Mayor Dimayuga ay agad naman nilang ihahain sa Comelec ang kanilang petition for disqualification.

Sa darating na Oct.1-5 ang mga official filing dates na itinalaga ng Comelec.

Matatandaang nanalo si Dimayuga sa isang protesta sa halalan noong 2004 at nakaupo ng ilang buwan bilang Mayor ng San Pascual.

Nahalal muli siya noong 2007 at 2010.

Ayon sa SPEDA, hindi na pwedeng lumaban ayon na rin sa ating saligang batas na siya mismong naglimita na hanggang tatlong termino lamang pwedeng umupo ang halal na lokal na opisyal kaya sya’y diskwalipikado na.

“This should be addressed immediately by Comelec. If he is qualified or not. Otherwise if he runs, we will be forced to file a disqualification case,” sinabi ni SPEDA spokesman Atty. Jason Abueva.

vuukle comment

AYON

BATANGAS

COMELEC

DEVELOPMENT AGENDA

DIMAYUGA

JASON ABUEVA

KUKUWESTYUNIN

MAYOR ANTONIO DIMAYUGA

MAYOR DIMAYUGA

SAN PASCUAL

SAN PASCUAL ECONO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with