^

Bansa

Tax hike sa alak mas maliit kesa yosi

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasilip sa isang pagdinig sa Senado na mas mababa ang tax increase na ipapataw sa alak at beer kumpara sa sigarilyo base sa ipinasang House Bill 5727.

Napuna ni UP Prof. Solita Monsod, isang UP Economics professor at dating director-general ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang malaking ‘discrepancy’ sa ipapataw na excise tax sa mga tobacco products kumpara sa mga beer at alak.

Sa pumasang sin tax bill sa House of Representatives, ang mga brand ng beer na kasalukuyang nagbabayad ng buwis na P15.49 sa “medium tier” at P20.57 sa “high tier” ay magkakaroon pa ng reduction sa tax hanggang sa 2017 kapag naging batas na ang panukala. At saka pa lamang papatawan ang mga nasabing produkto ng minimal increase na 8% tuwing ikalawang taon hanggang 2025.

Ang mga low-priced beer brands naman na pinapatawan ng buwis na P10.41 ay magkakaroon ng 32 percent increase simula sa 2013 na may katumbas na P13.75 at karagdagang 8 porsiyentong tax increase sa 2015 at 2017.

Samantala, ang mga low-priced na sigarilyo ay papatawan ng tax na 708 porsiyento; mid-priced brands, 297 percent, ang high-priced ay 150 perent sa 2014.

Ang mga “low-priced tier” naman na kasalukuyang pinapatawan ng tax na P2.72 per pack ay magbabayad ng P12 sa 2013 at P22 sa 2014.

HOUSE BILL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

NAPUNA

NASILIP

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

SAMANTALA

SENADO

SOLITA MONSOD

TAX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with