^

Bansa

Electronic dagdag-bawas posible

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Posible umanong magkaroon ng electronic dagdag-bawas kaya dapat maging vigilante ang publiko sa gagawing pagboto sa nalalapit na halalan sa 2013.

Naniniwala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace chair Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, na ang mga electorates at mga kandidato ay magiging biktima lamang ng electronic cheating o ‘electronic dagdag bawas’ kung hindi maitatama ang isyu.

“The Smartmatic Summary Report submitted to the Committee on Suffrage and Electoral Reforms (CSER) of the House of the Representatives last August 3 on the Mock Elections it conducted last July 24–25, claimed that the accuracy rate of PCOS is 99.78710%. Not only does this claim not comply with the required accuracy rate under the Comelec Terms of Reference of the Automation for the 2010 National and Local Elections which is 99.995%, or 1 error in every 20,000 marks,” ani Pabillo.

Imposible aniyang makamit ang accuracy ng mga boto dahil sa depekto ng teknolohiya na maaaring magresulta sa electronic cheating.

Dismayado si Pabillo dahil hindi man lamang umano nag-abala ang Comelec na ipaliwanag ang accuracy issue at binalewala rin umano ang panawagan ng mga IT at electoral advocates na tingnan ang kanilang natuklasan hinggil sa naturang teknolohiya.

Umaapela rin si Pabillo at ang NASSA sa Pa­ngulo, sa Senado at Kongreso na busisiin ang mga pagkukulang ng teknolohiya ng Smartmatic at humanap ng posibleng solusyon dito. Dapat rin umanong magpatupad ng mga penalties sa mga mapapatunayang guilty sa mga naturang problema na maaaring makaapekto at makaimpluwensiya sa resulta ng 2013 elections.

Nanawagan rin ito sa mga political parties at mga kandidato na hilingin sa Comelec na tiyakin ang accuracy ng automation technology na gagamitin nito sa halalan upang hindi sila mabiktima ng electronic cheating.

CATHOLIC BISHOPS

COMELEC

COMELEC TERMS OF REFERENCE OF THE AUTOMATION

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES-NATIONAL SECRETARIAT

HOUSE OF THE REPRESENTATIVES

MANILA AUXILIARY BISHOP BRODERICK PABILLO

MOCK ELECTIONS

NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS

PABILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with