Palagiang maghugas ng kamay -DepEd

 MANILA, Philippines - Payo ng pamunuan ng Department of Eductation (DepEd) sa lahat estudyan­te sa bansa na palagiang mag­hugas ng kamay upang hindi kapitan ng ano mang uri ng karamdaman na maaaring dahilan ng pagliban sa klase.

Ang payo ay ginawa ni Edu­cation Secretary Armin Luistro bilang suporta ng DepEd sa paggunita sa Global Handwashing Day (GHD) sa Pili­pinas kahapon na nasa ikalimang taon na ngayon isinasagawa.

Ayon kay Luistro, makaiiwas sa ano mang karamdaman at mailigtas ang buhay ng bawat isang individual kapag palagiang malinis ang kamay.

Maiiwasan din ang pag­li­ban sa klase ng mga estud­yante na kung minsan ay humahan­tong sa pagtigil sa pag-aaral kapag nagkaro­on ng matin-ding karamdaman dulot ng virus mula sa maruming kamay.

Sinabi naman ni Chad Sotelo ng Procter and Gamble Philippines, bahagi ng ka­­­ nilang corporate social res­ponsibility ang paalala na palaging maghugas ng kamay upang maiwasan ang iba’t ibang sakit tulad ng diarrhea at pneumonia.

Inihayag ni Sotelo na ang diarrhea ang ikaapat na dahilan ng pagkamatay ng batang limang taon pababa kung saan abot sa 10,000 bata ang nasasawi kada taon. 

Show comments