Palagiang maghugas ng kamay -DepEd
MANILA, Philippines - Payo ng pamunuan ng Department of Eductation (DepEd) sa lahat estudyante sa bansa na palagiang maghugas ng kamay upang hindi kapitan ng ano mang uri ng karamdaman na maaaring dahilan ng pagliban sa klase.
Ang payo ay ginawa ni Education Secretary Armin Luistro bilang suporta ng DepEd sa paggunita sa Global Handwashing Day (GHD) sa Pilipinas kahapon na nasa ikalimang taon na ngayon isinasagawa.
Ayon kay Luistro, makaiiwas sa ano mang karamdaman at mailigtas ang buhay ng bawat isang individual kapag palagiang malinis ang kamay.
Maiiwasan din ang pagliban sa klase ng mga estudyante na kung minsan ay humahantong sa pagtigil sa pag-aaral kapag nagkaroon ng matin-ding karamdaman dulot ng virus mula sa maruming kamay.
Sinabi naman ni Chad Sotelo ng Procter and Gamble Philippines, bahagi ng ka nilang corporate social responsibility ang paalala na palaging maghugas ng kamay upang maiwasan ang iba’t ibang sakit tulad ng diarrhea at pneumonia.
Inihayag ni Sotelo na ang diarrhea ang ikaapat na dahilan ng pagkamatay ng batang limang taon pababa kung saan abot sa 10,000 bata ang nasasawi kada taon.
- Latest
- Trending