^

Bansa

Philec inihayag ang desisyon ng pagsasara ngayong taon

- The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Inihayag ng Philippine Electric Corp. (PHILEC) ang pagta-tapos ng operasyon sa manufacturing plant nito sa Taytay, Rizal ngayong taon dahil hindi na umano akma ang lokasyon para sa naturang negosyo.

“Hindi naging madali para sa amin ang desisyon na ito ngunit ito ang dapat na manaig,” ayon kay Philec President Ariel Ong. “Ang aming pinagtutuunan ngayon ng pansin ay tuparin ang aming obligasyon sa aming mga empleyado, customers, suppliers at sa lokal na komunidad.”

“The company would like to thank our dedicated employees, loyal customers and all our valued partners for their contribution and support over the years. We look forward to renewing relationships through other member companies of the Lopez group,” dagdag pa ni Ong.

May kabuuang 104 manggagawa ang Philec kung saan karamihan sa mga ito ay residente ng lalawigan ng Rizal.

Ipinaliwanag ni Ong na iiral ang mga nakasaad sa probisyon ng CBA sa pagbibigay sa mga empleyado ng mga kaukulang benepisyo kung saan lahat ng obligasyon at kasunduan kabilang ang government statutory requirements ay ipatutupad.

“We will give our employees a minimum of two months’ sa-lary for every year of service.  We will also provide them with livelihood skills training, financial investment seminars and endorse them for possible employment in other companies through our industry networks,” paliwanag pa ni Ong.

Tiniyak din ng PHILEC na lahat ng obligasyon ay susundin kung saan ipatutupad pa rin ang nakasanayan nang mataas na lebel ng serbisyo. Tiniyak pa ng PHILEC sa mga suppliers at customers nito na ang lahat ng nakabinbin na obligasyon ay igagalang at ipatutupad.

Ang Philec ay subsidiary ng First Philippine Electric Corporation na kabilang sa Lopez Group of Companies na ang negosyo ay may kinalaman sa manufacturing ng distribusyon ng mga transformer.

vuukle comment

ANG PHILEC

FIRST PHILIPPINE ELECTRIC CORPORATION

INIHAYAG

LOPEZ GROUP OF COMPANIES

ONG

PHILEC PRESIDENT ARIEL ONG

PHILIPPINE ELECTRIC CORP

RIZAL

TINIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with