MANILA, Philippines - Umabot sa 197 ang panukalang batas na naipasa ng Senado bago ito mag-adjourn kamakalawa para sa dalawang linggong bakasyon.
Ipinagmalaki ni Senate President Juan Ponce Enrile na ang mga nasabing panukalang batas ay may national at local application.
Sa 197 panukalang batas, anim dito ay nilagdaan na ni Pangulong Aquino at ganap ng naging batas.
Kabilang dito ang Anti-Cybercrime Act (RA No. 10175), Data Privacy Act, People’s Survival Fund, An Act Authorizing Clerical or Typographical Errors in Birthdate or Sex of a Person Without Need for Judicial Order, An Act Reviving the Observance of Arbor Day, at ang Act Reapportioning the Province of Cotabato into Three Legislative Districts.
Dalawang panukala ang nakabinbin ngayon sa Conference Committee, ang Househelper’s Additional Benefits and Protection Act at ang Involuntary and Disappearance Act.
Malapit na ring maging batas ang AFP Modernization Program at hinihintay na lamang ang approval ng Pangulo.
Pumasa na rin sa pangatlo at huling pagbasa ang nasa 86 measures, kabilang dito ang Meat Labeling Act, Philippine Interior Design Act, Department of Housing and Urban Development Act, Strengthening the Career Executive Service at PNP BJMP and BFP Height Equality Act.
Magbabalik ang sesyon ng Senado sa Oktubre 8.