Sahod ng DH sa HK tinaasan

 MANILA, Philippines - Magandang balita para sa mga Pinoy household workers! Itinaas na ang minimum allowable wage (MAW) at food allowance ng mga foreign domestic helpers (FDH) sa Hong Kong.

Sa report na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang MAW ng mga FDHs ay nagtaas ng HK$180 noong Setyembre 19.

Mula sa tinatanggap na buwanang sahod na HK$3,740 ay tumaas ito sa HK3,920.

Ang bagong MAW at food allowance ay iaaplay sa lahat ng kontrata na pumasok mula o pagkatapos ng Setyembre 20, 2012.

Ang mga kontrata naman na nilagdaan bago ang Setyembre 20 ng dating MAW na $3,740 kada buwan­ at food allowance na hindi bababa sa $775 kada buwan ay ipoproseso pa rin ng Immigration Department­ kapag ang kanilang aplikasyon ay uma­bot sa Immigration dep’t bago o sa Oktubre 17, 2012.

Ang employment contract naman na nalag­daan sa araw o pagkatapos ng Setyembre 20, 2012 ay dapat na magkaroon ng buwanang sahod na HK3,920. 

Show comments