MANILA, Philippines - Ipinagharap na kahapon ng kasong paglabag sa Tariffs and Customs Code sa Department of Justice (DOJ) ang anim na umano’y smuggler ng Vietnam rice na nasabat patungong Subic Freeport Zone sakay 40-footer container van na nagkakahalaga ng P30-milyon.
Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, mga paglabag sa Sections 3601 at 3602, Sections 2503 at 2530 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines ang mga consignee na Masagana Import Export Inc. President Jan Dexter Marfil, Secretary and Board Member Editha Arzola, Treasurer and Board Member Jeaneth Espeleta Vega, Directors Gerardo Yaco Vega at William Tunog Quiohilag, kabilang pa ang customs broker ng Masagana na si Mary Joy Sanchez.
Dumating ang 20,000 sako ng Vietnam rice sa Subic port noong Hunyo 20, 2012 na idineklarang “gypsum board” para makaiwas umano sa import permit requirement mula sa National Food Authority.