Reso ng Ombudsman sa graft vs 3 BOC men wala pa rin
MANILA, Philippines - Pinamamadali sa Office of the Ombudsman ang pagpapalabas ng resolusyon sa isinampang kasong graft and corruption laban sa tatlong kawani ng Bureau of Customs (BoC) at mga kasama nito.
Noong Disyembre 7, 2010 pa umano kinasuhan sina Eric G. Albano, Intelligence Officer 4; Jover Jordan, Clerk II; Mitchell V. Verdeflor, Intelligence Officer II at John Does, pawang mga kawani ng BoC ng kasong paglabag sa Republic Act No. 3019, Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Ombudsman pero hanggang ngayon ay wala pa umanong resolusyon.
Isinampa ang nasabing kaso sa tanggapan ni Atty. Julita M. Caldero, Graft Investigation and Prosecution ng mga complainant na sina Oscar Moratin at Crispin Velarde, kapwa intelligence officer ng Department Of Finance, Revenue Integrity Protection Service (DOF-RIPS).
Noong Pebrero 6, 2010 isang electronic product shipment na nagmula sa Singapore ang dumating sa Port of Manila at ng isinailalim ito sa scanned ng x-ray machine, napag-alaman na walang kahina-hinala sa naturang kargamento, base na rin sa findings ng customs examiner ng Boc.
Sa kabila na legal ang pagpasok ng shipment, nagpalabas pa rin ng hold order si dating BoC deputy Commissioner Jairus Paguntalan, noong Pebrero 10, 2010 dahil sa naging report ng naturang mga respondent na nasakote nila ang mga ito.
Dahil sa naging hakbangin nina Albano, Jordan, Verdeflor at iba pang kagawad ng BoC, nagkaroon ang mga ito ng paglabag sa batas, base na rin sa naging imbestigayon ng DOF-RIPS.
Lumabag din umano ang nabanggit na mga respondent sa Custom Memorandum Order (CMO) kaya’t bukod sa kasong criminal, sinampahan din ang mga ito ng kasong administratibo.
- Latest
- Trending