^

Bansa

Abogado ni Reyes pinadi-disbar

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umapela ang pamilya ng pinaslang na si Doc Gerry Ortega sa Korte Suprema na tanggalan ng lisensiya ang abogado ni dating Palawan Gov. Joel Reyes, itinuturong mastermind o utak sa pagpatay kay Doc Gerry.

Sa disbarment complaint ni Mika Ortega sa Supreme Court, iginiit na lumabag si Atty. Hermie Aban sa Rule 138 ng Rules of Court at Code of Professional Responsibility.

Tinukoy sa complaint ang patuloy  na  paglilihim o pagkukubli ni Aban sa impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng kanyang kliyente sa mga panahong humaharap siya sa Puerto Pincesa City RTC.

Nanindigan ang pamilya Ortega na ang ginagawa ni Atty. Aban ay maituturing na obstruction of justice.

Malinaw naman anila mula sa mga nakalap na do­kumento at passenger manifest ng Cebu Pacific na nag­tungo sa Vietnam si Aban na hindi rin naman niya itinanggi. Batay sa mga ulat ay sinasabing kasama ni Aban ang magkapatid na Reyes ng lumabas sa bansa noong Marso 18, 2012 sakay ng Cebu Pacific flight patungong Vietnam.

ABAN

CEBU PACIFIC

CODE OF PROFESSIONAL RESPONSIBILITY

DOC GERRY

DOC GERRY ORTEGA

HERMIE ABAN

JOEL REYES

KORTE SUPREMA

MIKA ORTEGA

PALAWAN GOV

PUERTO PINCESA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with