MANILA,Philippines - Imposible umanong matamo ang target ng gobyerno na P60 bilyon dagdag na pondo para sa mga pro-health care na programa dahil sa isinusulong na mataas na excise tax sa alak at sigarilyo.
Ito ang sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na nauna ng nagbabala na posible pang bumaha sa bansa ang mga smuggled na sin products sa sandaling itaas ng buwis ng mga ito.
Ayon kay Enrile dapat ikonsidera ang magiging epekto sa ekonomiya ng kahit na anong uwi ng buwis na isinusulong na pasanin ng mga mamamayan.
Aniya, bababa ang revenue collections mula sa mga sin products dahil babagsak ang konsumo ng mga nasabing produkto.
Isinusulong ng Department of Finance ang pagpapataw ng nasa 1,000 porsiyentong tax hike sa mga sin products lalo na sa mga mumurahing sigarilyo.