^

Bansa

Villar, top 9 sa Pulse Asia survey

- The Philippine Star

MANILA,Philippines - Nakopo ni dating Las Piñas Representative Cynthia Villar, Managing Director ng Villar Foundation, ang puwestong 9 sa pinakahuling survey ng Pulse Asia para sa mga senatorial aspirants o ‘senatoriables’ para sa 2013 midterm elections.

Ang naturang survey ay isinagawa mula August 31 hanggang September 7, 2012, kung saan ang mga respondents ay pinakitaan ng listahan ng mga pangalan ng mga personalidad na nababanggit na posibleng maging kandidato sa pagka-senador.

Kabilang sa mga ta­nong sa survey ang “If the 2013 were held today, who in this list would you vote for senator? Choose only 12 names.”

Si Villar at apat na iba pa na nakapasok sa top 12 circle ng survey ay tatakbo sa pagka-senador sa kauna-unahang pagkakataon, kabilang sina San Juan Rep. JV Ejercito, Cagayan 1st District Rep. Juan Ponce Enrile Jr., Aurora Rep. Sonny Angara, at Nancy Binay.

Si Villar, asawa ni Senator Manny Villar, ay nagtamo ng landslide victory bilang Representative ng Las Piñas noong 2001 at nakumpleto niya ang kaniyang tatlong termino o siyam na taon sa serbisyo hanggang 2010.

Ang 10 naman sa 15 personalidad na nanguna sa survey ay pawang kasalukuyan at mga da­ting senador na kinabibilangan nina Loren Legarda, Chiz Escudero, Alan Cayetano. Antonio Trillanes IV, Gringo Honasan, Koko Pimentel, Richard Gordon, Jun Magsaysay at Jamby Madrigal.

ALAN CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

AURORA REP

CHIZ ESCUDERO

DISTRICT REP

GRINGO HONASAN

JAMBY MADRIGAL

JUAN PONCE ENRILE JR.

LAS PI

SI VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with