^

Bansa

Plunder case vs GMA malakas - Morales

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA,Philippines - Tiwala si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na malakas ang kasong plunder na kinakaharap ng dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Morales sa isang panayam sa Kamara, na hindi siya basta-basta lang maghahain ng kaso kung walang sapat na basehan at ebidensya.

Subalit nasa Sandiganbayan na umano ang bola dahil hindi naman kontrolado ang isipan ng mga mahisrtrado ng anti-graft court na magdedesisyon sa kaso.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa umanoy naudlot na NBN-ZTE deal samantalang nangako naman ang Ombudsman na bago matapos ang kasalukuyang buwan ay reresolbahin na nila ang nakabinbing mosyon na inihain ng dating pangulo.

Samantala, hindi naman nababahala ang kampo ni Arroyo sa panibagong plunder case na kakaharapin nito matapos na akusahan ni Senador Serge Osmeña tungkol sa umanoy maanomalyang 111 bridge contracts kung saan overpriced umano ng P10 bilyon.

Paliwanag ng taga­pagsalita ni GMA na si Elena Bautista Horn, dumaan sa masusing prose­so ang mga kontrata sa tulay.

ELENA BAUTISTA HORN

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

KAMARA

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

PALIWANAG

PAMPANGA REP

SAMANTALA

SANDIGANBAYAN

SI ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with