Magat dam nagpakawala ng tubig
MANILA,Philippines - Nagpakawala ng tubig ang Magat dam sa Isabela makaraang umabot sa critical level ang water elevation nito bunga ng walang humpay na pag-uulan doon.
Sinasabing tumaas ang water elevation ng Magat dam reservoir dahil halos tatlong gabing pag-ulan ng malakas sa watershed area sa lalawigan ng Ifugao.
Umaabot sa 193.34 meters ang water elevation ng Magat dam. Ang inflow ay 879 Cubic Meters per-second (CMs) at ang outflow ay 1,071 CMs.
Dalawang spillway ng naturang dam ang nakabukas na may taas na four meters.
Bunsod nito, pinag-iingat naman ng pamunuan ng Magat dam ang mga residenteng nakatira malapit dito at sa maraming bayan sa Isabela para makaiwas sa inaasahang pagbaha.
- Latest
- Trending