MANILA,Philippines - Nagpatupad ng dagdag-presyo sa gasolina ang mga kumpanya ng langis sa bansa habang bahagyang ibinaba ang presyo ng diesel umpisa kahapon ng madaling araw.
Dakong alas-12:01 ng madaling araw nang manguna sa pagtataas ang Flying V habang dakong alas-6:00 ng umaga nang sabay-sabay na magpatupad ng pagbabago sa presyo ang Filipinas Shell, Petron Corporation, Chevron Philippines, at Phoenix Petroleum at PTT.
Nasa P.95 sentimos kada litro ang itinaas ng mga ito sa presyo ng premium at unleaded gasoline, P.35 sentimos kada litro sa regular na gasolina.
Nagtapyas naman ang mga kumpanya ng langis ng P.25 kada litro sa presyo ng diesel habang walang paggalaw sa presyo ng kerosene.
Ikinatwiran ng mga kumpanya ng langis ang galawan sa presyo ng naturang mga produkto na kanilang hinahango sa internasyunal na merkado.