MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng isang mambabatas sa Kamara ang kaguluhan sa Maguindanao na umano’y suportado ng ilang opisyal ng gobyerno dahil sa pagkontra ng mga ito sa peace talks na nagaganap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa inihaing House Resolution No. 2711 ni Maguindanao 2nd district Rep. Simeon Datumanong, nais nitong imbestigahan ang magkasunod na madugong kaguluhan noong Agosto 5 hanggang Agosto 11, 2012 habang ginugunita ng mga Muslim ang Ramadan.
Ayon kay Datumanong, nais nitong ipasiyasat ang katotohanan sa likod ng mga biglaang pag-atake na suportado ng mga lokal opisyal upang makakuha ng kapakinabangan sa kabila ng kaguluhan partikular ang pag-aalis sa mga lehitimong naninirahan sa apektadong lugar at pagpigil sa usaping pangkapayapaan.