^

Bansa

Palasyo wala raw alam sa pag-isnab ng mga senador sa komite ni Miriam

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nilinaw ng Malacañang na wala silang impluwensya sa hindi pagkumpirma ng mga Senador na miyembro ng committee on Constitutional Amendments of Revision Codes and Law sa pagdalo sa imbestigasyon kay dating DILG Usec. Rico Puno.

Sa panayam kay Communications Secretary Ricky Carandang sa Kamara, sinabi nito na walang kinalaman ang Palasyo sa nasabing isyu dahil panloob umano itong usapin ng Senado at hindi nila maaring pang­himasukan.

Nakahanda rin umano ang mga opisyal ng administrasyon na sumunod sa mga imbitasyon ng Senado kaugnay ng imbestigasyon kay Puno basta nasusunod din ang proseso ng mataas na kapulungan.

Subalit kailangan munang desisyunan ng Senado kung alin ang tamang komite ang nararapat na humawak ng isyung ito.

Nagbabala naman si House Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Milagros Magsaysay kay Pangulong Aquino na maging handa sa magi­ging ‘consequence” kapag itinalaga si Puno sa ibang posisyon sa gobyerno.

Sabi pa ni Magsaysay, bagamat prerogative ng Pangulo na italaga ang sinumang nararapat at mapagkakatiwalaan dapat pa rin nitong tanggapin ang anumang magiging resulta ng nasabing hakbang lalo pa at lumalakas ang panawagan na huwag ng italaga sa anumang posisyon si Puno.

Reaksyon ito ng mam­babatas dahil sa ulat na pinag-aaralan na ng Pangulo ang posibilidad na pagtatalaga kay Puno sa ibang puwesto ng pamahalaan kabilang na dito ang Department of Agriculture (DA).

COMMUNICATIONS SECRETARY RICKY CARANDANG

CONSTITUTIONAL AMENDMENTS OF REVISION CODES AND LAW

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

HOUSE DEPUTY MINORITY LEADER

MILAGROS MAGSAYSAY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PUNO

RICO PUNO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with