^

Bansa

Outdoor field trips ibabawal na ng DepEd

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang pagbabawal sa mga paaralan na magsagawa ng outdoor field trips upang maiwasan ang mga aksidente.

Ito’y kasunod nang pagkalunod ng dalawang international school students sa isang waterfalls sa Subic, Bataan kamakailan.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali, batay sa Department Order 52 series of 2003, hinihikayat lamang ng ahensiya ang mga educational field trips sa mga lugar tulad ng museums, science fairs at exhibits, at iba pang historical sites.

Nauna rito, nagtungo umano ang grupo ng mga estudyante mula sa Cebu International School sa Sitio Canauan para sa isang outreach program.

Nagkatuwaan uma­nong mag-swimming ang mga ito matapos ang tanghalian ngunit pagkaraan ang ilang oras ay nawala ang apat sa kanila.

Nailigtas ang dalawa sa mga estudyante ngunit sinawing-palad na malunod ang dalawa pa na nakilalang sina Jae Hak Jun, 14-anyos at si Kyle David Gullas Weckman, 13, apo ni dating Cebu Cong. Dodong Gullas.

Dakong 3:20 ng hapon ng Miyerkules nang marekober ang bangkay ni Jun habang 8:00 na ng umaga ng Huwebes nang matagpuan ang bangkay ni Weckman.

Tiniyak naman ni Uma­li na masusi na nilang iniimbestigahan ang insidente at pinag-aaralan na rin kung pananagutin ang paaralan ng mga biktima dahil sa umano’y kapabayaan.

Kasabay nito, pina­alalahanan ni Umali ang mga paaralan na ang mga outdoor trips ay hindi compulsory dahil mayroon umanong mga estudyante ang walang sapat na pera para sa mga naturang gastusin.

vuukle comment

ASSISTANT SECRETARY TONISITO UMALI

CEBU CONG

CEBU INTERNATIONAL SCHOOL

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT ORDER

DODONG GULLAS

JAE HAK JUN

KYLE DAVID GULLAS WECKMAN

SITIO CANAUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with