^

Bansa

Miriam at Malacañang 'di na bati

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na bati ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang Malacañang dahil sa pang-iisnab ng mga mi­yembro ng Gabinete nito sa pagdinig ng kanyang komite kahapon.

Bagaman natuloy din kahapon ang paggisa sa nag-resign na si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno, hindi nagustuhan ng senadora ang mistulang pagboykot ng Palasyo at ilang senador sa hearing.

“Hindi na kami bati ng Malacañang,” pahayag ni Santiago matapos hindi sumipot sina Executive Secretary Paquito Ochoa, bagong talagang DILG Sec. Mar Roxas, DENR Sec. Ramon Paje at DOJ Sec. Leila de Lima.

Sinabi rin ni Santiago na hindi na rin niya bati ang mga senador na hindi dumalo sa pagdinig.

Hindi sana matutuloy ang hearing kung hindi dumating sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Sen. Koko Pimentel.

Sa naturang hearing ay itinanggi ni Puno na may kontrol at kapangyarihan siya sa Philippine National Police bilang dating undersecretary ng DILG pero ipinaalala ni Santiago ang naging pahayag ni Ochoa matapos mangyari ang Luneta hostage drama na may kapangyarihan sa PNP si Puno.

Hindi rin kumbinsido si Santiago sa sinasabi ni Puno na isa lamang siyang observer sa bidding ng awards committee ng PNP sa bibilhing mga baril dahil ipinatawag pa ni Puno ang lahat ng mga suppliers at nagbigay pa ito ng mga suggestion.

Kapuna-puna naman na hindi masyadong naging mainit ang ulo ni Santiago sa kabuuan ng pagdinig.

Nagbibiro pang iniha­yag ng senadora matapos ang press conference na pinaalalahan siya ng kaniyang asawang si Atty. Narciso “Jun” Santiago Jr., na maging mahinahon upang hindi maospital dahil kung hindi ay hahanap umano ito ng ibang babae.

Sa kasagsagan din ng pagdinig, itinanggi ni Puno na tumatanggap siya ng protection money mula sa mga operators ng jueteng at iba pang uri ng illegal na sugal.

Sinabi rin ni Puno na wala siyang alam kung may opisyal ng Palasyo na nakikinabang sa jueteng.

Dumalo rin sa pagdinig si retired Archbishop Oscar Cruz na nasabing patuloy pa ring namamayagpag ang jueteng sa bansa.        

Bukod sa jueteng, nakuwestiyon din si Puno sa sinasabing overpricing sa P1 bilyon kontrata na pinasok ng PNP para sa pagbili ng nasa 60,000 baril. Ang Trust Trade ang sinasabing nanalo sa nasabing bidding.

Naipadala na umano ang nasabing kontrata sa tanggapan ni PNP chief Nicanor Bartolome at mayroon itong 15 araw para aprubahan o ibasura ang nilagdaang kontrata.

Bukod sa pagbili ng nasa 60,000 na maikling baril, may isa pang kontrata kaugnay naman sa pagbili ng M4 assault rifles na sinasabing overpriced.

Itinanggi rin ni Puno na ni-raid niya ang condo unit ni Robredo dahil sinunod lamang umano niya ang utos ni Pangulong Aquino.

Samantala, inihayag ni Santiago na hindi na niya susundan pa ang isinagawang pagdinig lalo pa’t wala naman itong suporta sa kasamahan niyang mga senador.

ANG TRUST TRADE

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

BUKOD

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA

KOKO PIMENTEL

PUNO

SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with