Mister sinilaban ni misis

MANILA, Philippines - Agaw-buhay nga­yon ang 50-anyos na mister matapos buhusan ng gasolina at silaban ng kanyang misis sa bayan ng Malita, Davao del Sur kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng 2nd degree burn sa katawan ang biktimang si Canor Ojamula na kasalukuyang inoob­serbahan sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Sa ulat ng Police Regional Office 11, maga-alas-12 ng hatinggabi nang umuwing lango sa alak ang biktima na labis na ikina­galit ng misis nito.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa hanggang sa manahimik  na lamang  ang matandang Canor na napasalampak sa sopa sa sobrang kalasingan.

Gayon pa man, ki­nuha pala ng mi­sis nito ang galon ng gasolina sa kusina ng kanilang bahay bago isinaboy sa kaniyang mister saka sinaltikan ito ng posporo.

Naghihiyaw ang nasabing mister na napalabas ng bahay at gumulong sa damuhan hanggang daluhan ng kanilang mga kamag-anak at kapitbahay kung saan naisugod sa nasabing ospital.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso

Show comments