MANILA, Philippines - Patuloy ang pagla- kas ng bagyong Karen habang nasa may East Philippine Sea.
Alas-11 ng umaga kahapon, namataan ng Pagasa si Karen sa layong 760 kilometro silangan ng Infanta, Quezon taglay ang lakas ng hanging 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 150 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 13 km bawat oras.
Sa Linggo, si Karen ay inaasahang lalabas na ng bansa o nasa layong 320 km silangan ng Southern Taiwan.
Pag iibayuhin ni Karen ang habagat kayat makakaranas ng mga pag-uulan sa kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Maulap naman ang kalangitan na may paminsan minsang pag-uulan sa Metro Manila.