^

Bansa

PSN correspondent nabiktima ng 'bukas kotse'

- Mer Layson - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Isang reporter ng DZMM at correspondent ng Pilipino Star Ngayon  ang nabiktima ng bukas-kotse gang habang nakaparada ang sasakyan nito sa Ortigas Center sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Dumulog sa himpilan ng PCP 1 ng  Pasig police si Arnell Ozaeta, reporter ng ABS-CBN DZMM matapos sirain ng 2 suspek ang camper shell ng kanyang Nissan Bravado na nakaparada sa Topaz St. Ortigas Center,  Brgy. San Antonio, Pasig bandang alas-2:50 kamakalawa ng gabi.

Sa pamamagitan ng CCTV, kitang-kita sa monitor nang kunin ng 2 suspek ang mga personal na gamit ni Ozaeta mula sa pick-up at naglakad lang papalayo bibit ang mga nakulimbat na nagkakahalaga ng 15k hanggang 20k.

Ayon kay Ozaeta, pangalawang beses na siyang nabibiktima ng bukas kotse gang, na  una nang naganap sa Escriva Drive sa Brgy. San Antonio, Pasig noong nakaraang taon, kung saan hindi pa rin nahuhuli ang mga salarin hanggang sa kasalukuyan.  

ARNELL OZAETA

BRGY

NISSAN BRAVADO

ORTIGAS CENTER

OZAETA

PASIG

PASIG CITY

PILIPINO STAR NGAYON

SAN ANTONIO

TOPAZ ST. ORTIGAS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with