^

Bansa

Sa search/retrieval kay Robredo 8 foreign divers, 28 pa pinarangalan

- Joy Cantos - The Philippine Star

  MANILA, Philippines - Walong dayuhang divers ang nanguna sa 36  bayani na tumanggap ng parangal sa matagumpay na operasyon ng Task Force Kalihim na kumuha sa bangkay ng yumaong si dating DILG Secretary Jesse Robredo at dalawang piloto na nasawi sa bumagsak na eroplano sa Masbate City noong Agosto 18 at pananalasa ng habagat.

Ang Bakas (Bayang Likas) parangal na ginanap sa Camp Aguinaldo ay iginawad ni Pangulong Aquino kasama sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at AFP.

“On behalf of the entire Filipino nation, I salute all of for your courage,” ayon sa Pangulo.

Kabilang sa mga pinarangalan ang mga British divers na sina Matt Reed, Shelagh Cooley, Anna Cu Injieng; mga Koreans na sina Poby Han Myung Yeol, Jung Hyeon Lee at George Ang Dy Pay, at German diver na si Danny Brumbach na dumanas ng ‘decompression sickness’ sa operasyon.

Kinilala rin ang nasa 36 AFP personnel kabilang ang 13 pang bayaning sundalo na gumanap ng mahalagang papel sa search and rescue operations sa pananalasa naman ng habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha kung saan nagmistulang ‘waterworld’ ang Metro Manila noong huling bahagi ng Hulyo. 

Ang Bakas Parangal ay ini-host ng NDRRMC kung saan nasa 308 katao kabilang ang mga local chief executives at mga sibilyang tumulong sa disaster response operations sa panahon ng habagat ang tumanggap ng natatanging pagkilala mula sa ahensya. 

vuukle comment

ANG BAKAS

ANNA CU INJIENG

BAKAS PARANGAL

BAYANG LIKAS

CAMP AGUINALDO

DANNY BRUMBACH

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

GEORGE ANG DY PAY

JUNG HYEON LEE

MASBATE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with