Political dynasty, political destiny daw
MANILA, Philippines - Political destiny at hindi political dynasty ang dapat itawag sa mga magkakamag-anak na nakapuwesto sa gobyerno.
Ito ang reaksyon ni House Minority Rep. Danilo Suarez kaugnay sa pagtakbo ng anak nito bilang party list Representative sa 2013 elections samantalang nakaupo naman bilang gobernador ng lalawigan ng Quezon ang isa pa nitong anak na si Governor Jayjay Suarez.
Paliwanag ng kongresista, hindi political dynasty kundi political destiny dahil pinaghihirapan naman umano ito ng bawat pamilya ng pulitiko at hindi basta lamang binibigay sa kanila na nakalagay sa isang “silver platter”.
Panawagan pa ni Suarez sa Comelec, tingnan na lamang ang adbokasiya ng isang party list group dahil marami rin namang naipapasang resolusyon at panukalang batas ang mga party list Representative at aktibo din ang mga ito sa debate sa plenaryo.
Samantala, tinanong si Suarez ng mga mamamahayag kung ano ang plano nito sa 2013 election nagbiro ito at sumagot ng “Kung may presidential elections next year tatakbo akong presidente, kaso wala eh 2016 pa.’’
Si Suarez ay nasa huling termino na bilang kongresista ng ikatlong distrito ng Quezon.
- Latest
- Trending