^

Bansa

Mrs. Robredo, anak nag-bus mula Bicol para tanggapin ang 'Posthumous award' kay Jesse

- Danilo Garcia - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Muling nagpakita ng pagiging payak sa pamumuhay ang naiwang maybahay ni DILG Secretary Jesse Robredo na si Atty. Lenny Robredo nang sumakay lamang ng bus mula sa Naga City paluwas ng Maynila kasama ang anak na si Jillian upang tanggapin ang bagong parangal buhat sa National Police Commission.

Tumanggap ng maugong na palakpakan ang mag-inang Robredo buhat sa mga tauhan ng Napolcom nang tanggapin ni Atty. Lenny ang “Plaque of Distinction” na ibinigay ni Napolcom Vice-Chairman Eduardo Escueta sa Makati City katuwang sina Commissioners Constancia de Guzman, Luisito Palmera, Alejandro Urro, at PNP chief Director General Nicanor Bartolome.

“His exemplary leadership coupled with trailblazing reform initiatives as a servant leader played a pivotal role in revitalizing the Napolcom as the administering and controlling body of the Philippine National Police,” nakasaad sa plake.

Sinabi ni Atty. Robredo na ang pagtitipid ng kanyang namayapang asawa sa kanilang tahanan ay umabot sa uri ng kanyang pamamahala sa gobyerno ukol sa pera ng pamahalaan.

Ayon kay Escueta, may mga pagkakataon na ginugulat noon ni Sec. Robredo ang mga tauhan ng Napolcom nang dumarating ito ng walang pasabi at lulan lamang ng ordinaryong taxi at walang ibang kasama.

“Kung may pinakamagandang parangal na pwedeng ibigay sa kanya…ay yung pagpapatuloy ng kanyang trabaho at paniniwala,” ayon sa pahayag ni Atty. Lenny. 

ALEJANDRO URRO

COMMISSIONERS CONSTANCIA

DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

LENNY

LENNY ROBREDO

LUISITO PALMERA

MAKATI CITY

NAGA CITY

NAPOLCOM

ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with