BI sinermunan ni PNoy
Manila, Philippines - Sermon ang inabot ng Bureau of Immigration (BI) sa pagdiriwang nito ng ika-72 taong anibersaryo kahapon mula kay Pangulong Aquino.
Ginawa ni Pangulong Aquino ang kanyang litanya ng pagkadismaya sa BI matapos ang paglalahad ni Immigration Commissioner Ricardo David ng achievements nito at plano para sa ahensiya sa pagridiwang ng ika-72 taong anibersaryo sa Intramuros, Maynila.
Isa-isang inilahad ng Pangulo ang kanyang pagkadismaya sa BI sa naging trabaho nito tulad ng pagtakas ng magkapatid na sina dating Gov. Joel Reyes at Mayor Mario Reyes noong Agosto sa kabila na nasa wanted list na ito matapos masangkot sa pagpatay sa environmentalist at brodkaster na si Jerry Ortega sa Palawan.
Ang kaso ni Kim Tae Dong na isang Korean na nakatakas habang nasa ospital at binabantayan ng mga Immigration authorities.
Ayon sa Pangulo, kitang-kita sa nangyari ang pagkukulang sa pagtupad sa tungkulin. “High profile na nga ang mga salaring ito, ipinalabas sa lahat ng media ang kanilang mukha, pero tila walang kahirap-hirap pa rin silang nakatakas,” sabi ng Pangulo.
Dagdag pa nito, kamakailan lang, sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group, naaresto ang 378 na hinihinalang miyembro ng cybercrime at human trafficking syndicate, na nambibiktima ng mamamayan sa Taiwan at China.
- Latest
- Trending