Yosi smuggling talamak pa rin - Trillanes

 Manila, Philippines - Hindi pa rin umano natitigil ang pagpasok sa bansa ng mga smuggled na produkto katulad ng si­garilyo lalo na sa Mindanao.

Ito ang sinabi ni Senator Antonio Trillanes IV sa gitna ng magkakakontrang posisyon ng Finance at Health officials kaugnay sa excise tax na naglalayong ibaba ang consumption ng sigarilyo sa pamamagitan ng pagtaas ng buwis.

Ayon kay Trillanes na isang dating Navy officer na na-assigned sa Min­danao, patuloy pa rin ang pagpasok sa bansa ng mga smuggled na sigarilyo dahil kulang naman ang resources ng gobyerno para mapigilan ito.

Sinabi ni Trillanes, mi­yembro ng ways and means committee, na ang napakataas na buwis na isinusulong ng gobyerno sa alak at sigarilyo ay magpapalala lamang sa problema ng smuggling.

“Smuggling is continuously developing in Mindanao. Malaysia and Mindanao are not far from each other, and our Navy cannot control the backdoors,” pahayag ni Trillanes.

Malinaw naman umano na hindi pa kaya ng pamahalaan na sawatain ang smuggling kaya dapat ikonsidera ang posisyon ni Senate President Juan Ponce Enrile na pag-aralang ma­buti ang panukalang pagtaas sa buwis.

“Ang tanong dito, effi­cient ba tayo (na pigilan) smuggling? No, we are not,” sabi ni Trillanes.

Dating Lieutenant Senior Grade si Trillanes at naging acting commanding officer ng isang patrol gunboat ng Navy sa pagitan ng 1995 hanggang 2000.

Nauna ng sinabi ni Enrile sa mga nakaraang committee hearings na hindi makokolekta ng gobyerno ang target nitong buwis sa alak at sigarilyo at posilbleng bumaha pa sa bansa ang mga smuggled ng produkto.

Sa panig ng DOH, nais nilang bawasan ang smoking consumption at nais din ng DOF na makakulekta ng karagdagang kita sa P60B na gagamitin bilang universal health care.

Bagama’t sang-ayon ang senador sa posisyon ng DOH na excise tax bill ay isa sa health measure, hinamon naman nito ang pamahalaan na simulan ang pagbibigay ng buwis sa mga produktong pagkain na hindi masustansya at matatamis. 

Show comments