^

Bansa

Illegal loggers kumikilos vs Anti-Illegal Logging TF

- The Philippine Star

MANILA, Philippines – Matindi na ang nagiging pagkilos ng mga big time illegal­ loggers na matinding naapektuhan ng ipinatu­tupad na Executive Order No. 23 sa Mindanao partikular sa Region XI at XIII.

Medyo kahina-hinala ang timing ng paglabas ng sinasabing confidential report ni Isoceles Otero sa na­sawing DILG Secretary Jesse Robredo hinggil sa diumano’y pagkakasangkot ng mga opisyales ng Anti-Illegal Logging Task Force na pinamumunuan nina DENR Secretary Ramon J.P. Paje at Gen. Renato Miranda at maging ng mga nasa DILG at Malacañang.

Nag-ugat umano ito sa impormasyon ni Otero kay Robredo hinggil sa pakikipagpulong ni Miranda sa isang samahan ng mga wood processor sa CARAGA noong huling Linggo ng buwan ng Hulyo sa Butuan City.

Hindi naman ito pinasu­balian ng Executive Director ng AILTF, sinabi niyang may naganap talagang pagpupulong at ito ay naipaliwanag na niya kay Robredo nang magkausap sila sa telepono at nang personal silang magkita nang ipatawag siya nito.

Ayon kay Miranda, pinakinggan lamang niya ang mga lehitimong “concern” ng samahan hinggil sa EO No. 23 partikular ang pagkawala ng trabaho ng mala­king bilang ng populasyon sa CARAGA at Davao region, na tanging dito lamang umaasa ng kanilang ikinabubuhay.

Ikinalungkot niya na wala na ang dating DILG Secretary para bigyang-linaw ang usaping ito na tingin niya at ng kanyang mga tauhan sa AILTF ay bahagi ng isang malawakang demolition job.

ANTI-ILLEGAL LOGGING TASK FORCE

BUTUAN CITY

EXECUTIVE DIRECTOR

EXECUTIVE ORDER NO

ISOCELES OTERO

MIRANDA

RENATO MIRANDA

ROBREDO

SECRETARY JESSE ROBREDO

SECRETARY RAMON J

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with